Troopers were treated to extreme esports action from the Special Force Philippine Championship Visayas Regional. The four qualified teams – Nayska A from Cebu, Inday of Bacolod, DirtyDirty from Iloilo and Mofosx of Mandaue – from all over the region clashed in this one day event. After more than seven hours of grueling battles, only team DirtyDirty was left standing on top. The hopes and dreams of the mighty region of Visayas now rests on the shoulders of -Nenio-_-), /DD*Ken, [K]albz–>*, Era! and [F]ingerBoom of team DirtyDirty. As the first team through to the SFPC Top 8,  all will be looking out for their skills at the Playpark All-Stars 2017 SFPC Semi Finals.

 

 

Despite being a veteran SF team, the battle of Visayas Regional was not easy for team DirtyDirty. Even during the Round Robin stage, they immediately faced their rival – team Inday – in Round 1. It was only from Inday that DirtyDirty tasted the bitterness of defeat when Round 1 ended with a score of 3-2 in favor of DirtyDirty. They quickly regained their footing in the next rounds against Nayska A and Mofosx by sweeping the teams with a score of 2-0. Their stellar record of 3 wins, 0 losses paved the way for their entrance to the Finals Round.

 

 

When push came to shove, team DirtyDirty pushed back in the Finals Round and showed why they were deserving of the region’s top spot. Against Inday, DirtyDirty showcased the gap in their experience having been the representative of Visayas back in 2012. They swept Inday in two straight rounds and securing victory. But, against the odds, Inday showed they could not be taken lightly. In Round 1, Minor<3 of Inday overcame [F]ingerBoom of DirtyDirty in a 1-v-1 showdown to secure the first match win for Inday. DirtyDirty was quick to recover from the shock thanks to double kills from /DD*Ken in the following match. The momentum stayed with DirtyDirty until Round 2 thanks to the combined effort of Era! and /DD*Ken who even secured a win for DirtyDirty with a melee weapon attack. Inday matched every win DirtyDirty scored in Round 2 and even earned their first lead. But, DirtyDirty pushed the limits of their aggression and picked Inday gunners one after the other to achieve sweet victory.

 

 

The first team to face the challenge of Special Force Philippine Championship Top 8 Semi Finals is team DirtyDirty. They have proven that they are the fiercest gunners in Visayas. This July 2017, they will head to Manila to prove to the Philippines and the whole world that they should know and fear the name – DirtyDirty. Good luck team DirtyDirty and to all the qualified teams heading to their regionals.

 

 

 

DIRTYDIRTY NG ILOILO KAMPYON SA SFPC VISAYAS REGIONAL

 

Matinding bakbakan ang hinatid ng mga SF Trooper sa lahat ng nag-abang sa Special Force Philippine Championship Visayas Regional. Sa labanang ito, nagtagisan ng galing ang apat na qualified teams mula sa iba’t ibang parte ng rehiyon – Nayska A mula sa Cebu, Inday galing sa Bacolod, DirtyDirty ng Iloilo at Mofosx ng Mandaue. Mahigit pitong oras ang naging labanan ng apat na kopunan at sa huli tanging ang DirtyDirty ang naiwan sa rurok ng tagumpay. Buong tiwala at pag-asa ng magiting na rehiyon ng Visayas ang nakalatag sa balikat nina -Nenio-_-), /DD*Ken, [K]albz–>*, Era! at [F]ingerBoom ng DirtyDirty. Bilang ang unang team na nakapasok sa Top 8 ng SFPC, siguradong aabangan ang kanilang galing sa Playpark All-Stars 2017 SFPC Semi Finals.

Bagaman isang beteranong kopunan, hindi naging madali ang laban ng Team DirtyDirty sa Visayas Regional. Sa Round Robin pa lang, nakaharap kaagad nila ang karibal nilang team na Inday sa dikit na matches ng Round 1. Sa Inday lamang nila natikman ang pait ng pagkatalo nang matapos ang Round 1 sa score na 3-2 pabor sa DirtyDirty. Bagaman bumawi ang DirtyDirty sa mga sumunod na laban nang tapusin nito ang Nayska A at Mofosx sa parehong score na 2-0. Ang record nilang 3 wins, 0 losses ang naging daan para makapasok sila sa Finals Round.

Ipinakita ng DirtyDirty na dapat silang kilalanin bilang pinaka magaling na kopunan sa Visayas pagdating ng Finals Round. Kaharap ang Inday, ipinamalas ng DirtyDirty ang lawak ng kanilang karanasan bilang dating representative ng Visayas noong 2012 nang i-sweep nila ang Inday sa dalawang magkasunod na panalo. Subalit nilabas din ng Inday ang kanilang tinatagong talas nang magwagi si Minor<3 ng Inday sa harapan nila ni [F]ingerBoom ng DirtyDirty sa dulo ng Match 2 at nakuha ang unang panalo para sa kopunan. Napataob man ni Minor<3 ang DirtyDirty sa match na iyon, bumawi naman kaagad ang DirtyDirty salamat sa mga double kill ni /DD*Ken. Nagtuluy-tuloy ang momentum ng DirtyDirty hanggang sa Round 2 salamat kina Era! at /DD*Ken na nakanakaw pa ng kill sa melee weapon attack niya. Bagaman sinabayan ng Inday ang kanilang pace at tinapatan ang bawat panalo ng DirtyDirty ng sarili nilang panalo. Nagawa pang lamangan ng Inday ang DirtyDirty sa dulo ng Round 2. Subalit tinodo pa ng DirtyDirty ang kanilang pag-atake at isa-isang pinitas ang Inday para makamit ang victory.

Napangalanan na ang unang kopunan na sasabak sa hamon ng Special Force Philippine Championship – ang Team DirtyDirty. Napatunayan na nilang sila ang pinaka magaling sa buong Visayas. Papatunayan nila sa buong Pilipinas at sa harap ng buong mundo na dapat kilalanin ang DirtyDirty. Makikita natin silang muli sa paghaharap ng Top 8 teams sa SFPC Semi Finals ngayong July, 2017 sa Manila. Good luck sa Team DirtyDirty at sa susunod pang kampyon.