Para sa mga katanungan tungkol sa Clan War Event, maari kayong tumingin sa ibaba. Kung sakaling may karagdagang tanong, ipagbigay alam lamang sa CM Groupchat or CM FB Group para malaman agad ni GM Jabie at CM Selene.

1. Paano po ba ung mechanics ng Clan War Event?
– Sa mga nalilito pa about sa mechanics ng Clan War Event, ito po ang summarize na paliwanag:

– Kailangan lang mag Clan War ng mga kaClan mo para makakuha ka ng mataas ng Clan Points
– Kada araw, nagrereset ng Clan Points to 0 every 5:07AM
– Ang basihan ng ranking natin kada araw ay kung sino ang top 100 na pinakamataas na nakakuha ng Clan Points simula 5:07AM ng umaga hanggang 5:00AM ng kinabukasan.
– Malalaman ang top 100 ranking bago magreset sa pamamagitan ng ating SF Ranking Website under Clan dito sa website na ito: https://sfrankings.playpark.com/
– Nag uupdate ang ating Clan Ranking Website kada 5:05AM ng umaga kaya dapat laging dalasan ang pagview sa page na ito. Pinapayuhan din namin na magtabi ng screenshot ng Clan Ranking kada araw for reference.
– Yung Top 100 every day ay makakakuha ng corresponding BATTLE POINTS depende sa rank nila na makikita rito: http://bit.ly/SFClanWar
– Malalaman natin kung sino ang mananalo sa Clan War Event kung sino ang Top 10 Battle Points Ranking pagkatapos ng event.
– Ang event ay magsisimula ng May 15, 2018 5:07AM hanggang June 15, 2018 5:00AM.
– Walang ibang gagawin kundi mag Clan War lang every day. At syempre, ang pagiging panalo ang susi sa Event na ito.

2. Mababalik ba yung Clan Points na nadisband dati?
– Hindi na po dahil daily na po nagrereset ang Clan Points ng Clan para sa upcoming Clan Event. Every 5:07AM nagrereset ang clan points

3. Malalaman ba namin kung ilan ang total Clan Points na nagawa ng clan namin bago magreset sa isang araw?
– Yes, punta lamang sa site na ito: https://sfrankings.playpark.com/
Click “Clan” para makita ung ranking. As of 5:00AM po yan every day bago magreset ng 5:07AM

4. Paano po kapag nadisband ung clan namin?
– Once na nadisband ung clan, please tell your CM agad or Vice Leader na ireport agad samin ung nangyari. Then kailangan nila/nyo kaagad magcreate ng Clan na bago with the same name.

5. Paano po kapag hindi na namin magawa ung Clan Name dahil may gumawa nang iba?
– Create muna kayo new name ng Clan pero make sure na ung CM ng nadisband na clan ung magiging CM pa din nung bago. Aayusin natin ung name kapag nabago/naban ko na ung kumuha ng original name ng clan nyo.

6. Paano po ung Clan Points namin nung time before kami madisband? Macocount pa ba un sa Daily Clan Points Namin?
– Yes! Idadagdag un sa total Clan Points nyo sa bagong clan na ginawa.

7. Pwede po ba kami magpalit ng CM?
– Bawal! Kapag nasimulan na ung bilangan ng Battle Points, kung sino ung CM na nakaregister dun sa clan, un na ung magigin basis nung points.

8. Paano pag nagpalit ng IGN ung CM namin? Macocount pa din ba sa clan namin ung Battle Points?
– Yes! Dahil machecheck naman namin kung nagchange IGN ung CM. Para mas sigurado, mag advise sila sa CM Group Chat with GM Jabie and CM Selene kung nagpalit sila ng IGN.

9. Paano po kapag may CHEATER or BOOSTER ang kabilang Clan?
– Maari lamang na ipagbigay alam sa kinauukulan. Mangyari lamang na ireport sa CM GC or CM Official FB Group kung meron mang kahina hinala na nangyayari sa ibang Clan.

10. Baka naman po pag nag top 1 rank ung clan namen .At member lang ako tapos kinick . Makukuha pa ba yun?
– It’s up to your CM kung ano ung registration ung ipapadala nila samin kapag nagdeclare na ang winners.

Para sa mga katanungan pa, sabihan ang iyong Clan Master na sumali sa Official Group ng lahat ng Clan Master ng Special Force Online sa FB Group na Ito: SFCM Official Group